Okay, let's start!
Hello Ladies!
I apologize kung natagalan bago ako makapagpost ulit dahil naging super busy ako but now I’m back! From now on gagawin kong ‘taglish’ ang blog na ito natuwa kasi ako ng bongga kay Ms.AnneC. Anyways, marami pa akong products na gustong i-share sa inyo pero sa ibang blog post na yun. For now ang ipapakita ko lang sa inyo ay yung mga products na ginamit ko at nagustuhan ko para sa month ng June at July! Hiyey!
A) Rucy’s Vanity CC Cream in Oak
Rucy's Vanity CC Cream in Oak |
Actually, I’m a huge fan of BB creams. Kung ano-anong BB creams na ang na-try ko, name them! Pero hindi ko lagi nauubos, it’s either kalahati or ¼ lang ang nababawas ko. I have a sensitive face na madaling nagkakaroon ng pimples kapag hindi nagmatch yung product na ginagamit ko sa face. So nung lumabas ang CC cream gusto ko agad i-try pero CC creams are quite expensive compared to BB creams so when I discovered about Rucy Vanity’s CC cream, I was actually surprised to know na super affordable siya with the price of P320.00 for each 30ml squeezable bottle. I know right!
7 effect skin solution :
1.Sunscreen (it has SPF 30 PA+++),
2.Whitening
3.Anti-Wrinkle
4.Soothes skin
5.Evens out imperfections
6.Moisturizing
7.Complete Make up base.
Plano kong bumili ulit ng isa pang Rucy’s Vanity CC cream. What can I say? Paubos ko na yung isang lalagyan and it doesn’t usually happen kasi most of the time naiirita yung mukha ko but my face loved it! Actually, one week before using this product, tinubuan ako ng sangkaterbang (Exaggeration) pimples dahil sa ilang araw na walang tulog, stress at yung BB cream na ginagamit ko before ay hindi nagwowork sa skin ko so sayang na naman. So nung sinubukan ko ang RV's CC cream nagustuhan ko agad siya, tinuloy ko siyang gamitin kasabay ng mga products na nandito rin sa blog post na ‘to nawala yung mga pimples ko and bumalik yung dating kinis ng face ko though hindi naman talaga siya totally makinis pero atleast presentable na. Also, perfect itong Rucy’s Vanity CC cream para sa mga girls on the go because they don’t have to put foundation and concealer anymore kasi this product is already the combination of the two. It does evens out imperfections! It’s already stapled on my makeup kit, definitely a must-have!
B) Rucy's Vanity Auto Eyebrow Pencil
Rucy's Vanity Auto Eyebrow Pencil |
Mahilig akong mag-kilay and I always make sure na kapag nagkilay ako pantay. I’ve always loved The Face shop’s auto eyebrow but It’s kinda expensive so nung naubos ,naghanap ako ng pwedeng alternative then while browsing RV’s Instagram account I found out that they also have Auto Eyebrow Pencil then tinry ko agad , the effect of Rucy’s Vanity Auto Eyebrow pencil is just the same with the one that I’ve used before only RV's way cheaper than TFC. From now on, I’m switching to Rucy’s Vanity. Next time I will try their Auto Eyebrow Pencil in Black. Mahilig din kasi ako sa mga straight na kilay at hindi na mahirap gumawa ng line. Achieve na achieve na ang kabogerang kilay!
C) Cetaphil Moisturizer
Cetaphil Daily Facial Moisturizer |
Siguro magtataka kayo. Oily na nga yung face ko, gumagamit pa rin ako ng moisturizer. Of course! Whether your face is oily or not, wearing a moisturizer is a must! I love this moisturizer, usually kasi kapag naglalagay ako ng moisturizer sa noo, pagka-gising ko sa umaga, tadtad na siya ng kung ano-anong butlig. So when I tried this product, nagulat ako kasi wala akong nakuhang negative reactions mula sa skin ko. Naging maganda yung tandem nila ng CC cream. This one’s helluva moisturizer! If your skin is oily, I advise na ilagay mo lang siya sa face tuwing gabi (gaya ng ginagawa ko) Huwag din masyadong marami sa pag-apply kasi may tendency na kapag marami kang nalagay mag-iinit yung mukha mo. Kaya as much as possible, unti lang.Will I buy it again? Yes!
D) BYS LIPSTICK IN CRIMSON JOY.
Meet my one and only red lippie.
Naglalaro sa P250-P300 lang yung price niya pero I love it.
Ayan, sa next photo, I’m wearing
my baby BYS. Ganiyan siya kapula. I don’t usually wear it na buo. Most of the
time, ginagamit ko lang siya kapag gusto kong ma-achieve yung ‘Ombre’ lips, nag-aapply lang ako sa inner
part ng lips ko then Ill just spread it. Tada! Ombre lips baby!
E) Ever Bilena in Sienna’s. (Matte Lipstick)
Hindi siya masyadong mapula, hindi rin masyadong pink. Perfect for ragged look and school. One could never go wrong with this go-to lipstick!
F ) GLAM Cheek and Lip Tint in Peach Pink
So ayan, para siyang matigas na gel with oils sa gilid. Wala siyang glitters, flash lang yan. Ito yung lagi kong ginagamit kasi mukha lang siyang natural dahil may pagkapeach siya once nilagay mo na sa cheeks mo and ang naka-kafresh siya ng look because it’s light pink!
G) Shokubutsu Hana Shampoo & Conditioner
So this one is unexpected. I was actually hesitant to try Hana Shampoo and conditioner so first I did a bit of research about Hana Shampoo and found a lot of good reviews about it so I immediately bought them . First time na ginamit ko siya, wala pang kasamang shampoo yun. Grabe. Super.awesome. Hindi ko aakalain na magiging ganun ka-lambot yung buhok ko at super bango niya. Nagustuhan din siya ng mga friends ko. Gumanda yung buhok ko at buong araw tumatagal yung amoy. Actually, pangalawang bottle ko na ‘to ng Conditioner nila eh. Ang ganda. Naging manageable yung hair ko after ko siyang gamitin kahit hindi na magsuklay.
H) Lewis and Pearl (Scent Shop) Paris
When it comes to baby cologne/perfume. Hindi ako masyadong fan ng mga mamahalin, gusto ko yung light lang. 2nd year college pa lang ako, ito na yung pabango ko. I love the smell. I wish I can describe it for you but I can’t haha. Anyways, their tiniest bottle only cost around 20-30 pesos so it wouldn't actually hurt to buy so you can try it for yourself
Thank you for reading! :D
No comments:
Post a Comment